-
• No registration, no bank account, no credit card required
• Data rollover ng hanggang 180 days
• Ang bawat recharge ay magpapahaba ng validity ng SIM
• Top-up your data at convenient stores in cash
• Rechargeable data plan
-
-
• No registration, no bank account, no credit card required
• Data rollover ng hanggang 180 days
• Ang bawat recharge ay magpapahaba ng validity ng SIM
• Top-up your data at convenient stores in cash
• Rechargeable data plans:
-
TOP SIM 5GB - Rechargeable Prepaid Data SIM
![TOP SIM 5GB - Rechargeable Prepaid Data SIM](http://shop.brastel.com/cdn/shop/files/card_topsim_1000_3_ea7b5700-0bce-4952-93f0-0eb6c5d9ef40.jpg?v=1724807719&width=1445)
![TOP SIM 5GB - Rechargeable Prepaid Data SIM](http://shop.brastel.com/cdn/shop/files/topsim_pack.jpg?v=1734984079&width=1445)
![TOP SIM 5GB - Rechargeable Prepaid Data SIM](http://shop.brastel.com/cdn/shop/files/card_topsim_1000_3.jpg?v=1734984079&width=1445)
![](http://shop.brastel.com/cdn/shop/files/banner_1.png?v=1723104785&width=1500)
Manatiling Nakakonekta Anumang Oras Gamit ang Rechargeable SIM📱
Hindi na kailangan ang registration at dokumento. Magbayad lamang sa alinmang convenience store sa Japan!
Paano mag-order at mag-activate ng SIM
Ang TOP SIM ay isang prepaid, rechargeable data SIM na madaling i-recharge sa anumang convenience store sa Japan. Ang bawat pag-recharge ay pinahahaba ang validity ng SIM—walang kontrata, hindi kailangan ang registration, bilhin lamang at gamitin.
-
Order
Mag-order online sa pamamagitan ng aming Shopify store. Piliin ang TOP SIM card na naaayon sa inyong pangangailangan—kung kayo man ay end-user o isang reseller. Ang end-users ay maaaring bumili ng individual na SIM cards, habang ang resellers ay may option na bumili ng maramihan (1 lot = 10 SIM cards). Piliin lamang ang nais ninyong option at kumpletuhin ang pagbili.
-
Payment
Kami ay may mga flexible payment options upang umangkop sa inyong pangangailangan. Ang individuals ay maaaring magbayad gamit ang credit card o piliin ang cash on delivery. Para sa mga kumpanya, mayroon kaming postpaid invoice option bilang karagdagan sa mga nabanggit na options.
-
Shipment
Kapag nakumpirma na ang iyong pagbabayad, agad naming ipoproseso at ipapadala ang iyong order sa tinukoy na address. Nakikipagsosyo kami sa mga mapagkakatiwalaang courier para matiyak na darating nang ligtas at nasa oras ang iyong package.
SIM Activation Guide
-
STEP 1: I-set ang SIM card sa iyong device.
1. I-OFF ang power ng inyong device.
2. Ipasok ang SIM card sa inyong device. Para sa detalye kung paano ito ipasok, tingnan ang manual ng inyong device.
3. I-ON ang power ng inyong device pagkatapos mai-set ang SIM card. -
-
STEP 2: I-set up ang APN settings
-
STEP 3: Activate SIM
Pagkatapos mai-set ang APN at ma-restart ang inyong device, i-install ang TOP SIM app. Buksan ang app at sundan ang on-screen instructions.
-
FAQ
Bakit walang Internet?
Please check the following:
1. Beripikahin ang APN settings ( network path para sa lahat ng cellular data connectivity) batay sa manual[iOS] [Android] na ito.
2. Tiyakin na naka-ON ang inyong mobile data, naka-OFF ang airplane mode at naka-OFF ang Wi-Fi.
3. I-reboot ang device hanggang sa makita ang IIJ antenna pictogram.
4. Ang mga device na may SIM lock o network usage restrictions mula sa ibang carriers ay maaaring hindi magkatugma. Sa mga sitwasyon na ito, kinakailangan ninyong mag-request mula sa pinagbilhan o carrier na i-unlock ito.
5. Para sa dual SIM devices, tiyakin na ang tamang SIM slot ang inyong ginagamit. Subukang palitan at gawin din ang mga setting ng APN para sa kabilang slot. Huwag kalimutang i-reboot ang device.
6. Tiyakin na ang nais na network type ay naka-set sa kahit anuman maliban sa “GSM only”.
Bakit mabagal ang aking data speed?
Maaaring naubos na ang inyong data allowance, kaya't ang speed ay bumaba sa 200 kbps. Mangyaring pumili ng bagong plan na angkop sa inyo at i-recharge upang bumilis muli ang connection.
Kung iba ang kaso, mangyaring i-check ang mga sumusunod:
1. Tiyakin na ang configuration ng APN settings ay tama at batay sa[iOS] [Android] na ito.
2. Tiyakin na ang inyong mobile data ay naka-ON, ang airplane mode ay naka-OFF, at ang Wi-Fi ay naka-OFF.
3. I-reboot ang inyong device.
4. Suriin kung may anumang network outage o maintenance activities sa iyong lugar.
Kung magpapatuloy ang isyu, mangyaring makipag-ugnayan sa aming customer service para sa karagdagang tulong..
Maaari ko bang gamitin ang tethering sa SIM na ito?
Oo, subalit mangyaring i-check kung ang tethering ay maaari sa inyong device.
Para sa iOS, kailangang idagdag ang APN settings sa [Personal Hotspot] field.
Paano i-check ang daily data usage?
Mangyaring tingnan ang Mobile Data Usage settings sa inyong device.
Bakit ang aking initial na 5GB ay higit sa 30 days?
Ang initial 5GB na data ay valid sa loob ng 60 days kung ang APN settings at SIM activation ay nakumpleto ng parehong araw. Paalala: ang pag-activate ng SIM ay kailangang makumpleto sa loob ng 30 days matapos ma-configure ang APN setting. Kung ang APN settings at activation ay ginawa ng magkaibang araw, ang validity period ay magiging mas maikli.
Bakit hindi makilala ng aking device ang SIM?
Maaaring may depekto ang inyong SIM. Makipag-ugnayan sa aming customer service para sa suporta.
Maaari ko bang gamitin ang parehong SIM card sa iba't ibang devices?
Oo, maaari ninyong palitan ang mga devices gamit ang parehong SIM hangga't ang device na inyong ginagamit ay tugma sa TOP SIM
Huwag kalimutan na i-set up ang APN at i-reboot ang bagong device. Para sa activation, kailangang i-scan ang barcode mula sa cardholder o kung wala na ito, gamitin ang manual SIM ID (ICCID) input link. Ang SIM ID number ay naka-print sa inyong SIM card at nag-uumpisa sa 898103.
Maaari ko bang gamitin ang TOP SIM sa ibang bansa habang naka-roaming?
Hindi, ang TOP SIM ay para lamang sa internet connection sa Japan.
Mayroon bang PIN code?
Oo, ang PIN code ay "0000". Kadalasan, ito ay hindi kailangan. Subalit ang paulit-ulit na pag-enter ng maling PIN code ay magreresulta para ma-block ang inyong SIM. Sa ganitong pagkakataon, kakailanganin ang PUK code. Makipag-ugnayan sa aming customer service para sa suporta.
Ang aking SIM ay nawala. Maaari ba itong ma-reissue?
Hindi, ito ay hindi maaari. Mangyaring bumili ng bagong SIM sa aming store: https://shop.brastel.com/
Bakit hindi ako makapagbayad gamit ang barcode sa convenience store?
I-check ang mga sumusunod:
1. Tuwing Tuesday mula 22:00 hanggang 9:00, may network maintenance kung saan hindi maaaring i-download ang barcode. Mangyaring gawin ang pagbili sa ibang pagkakataon.
2. Maaaring hindi mabasa nang maayos ng barcode scanner sa mga stores ang barcode kung ang screen ay may gasgas o protective film.
3. Ang barcode ay mae-expire sa hatinggabi. Mangyaring mag-download ng bagong barcode mula sa TOP SIM app.
4. Ang barcodes ay maaaring hindi maipakita sa ilang smartphone models tulad ng iPads at tablets. Ang mga sumusunod na smartphone device environment ay inirerekomendang gamitin:
- OS: iOS 10.0 o mas bago, Android 5.0 o mas bago
- Browser: Pinakabagong version ng Safari o Google Chrome
- Screen size: 4.0 inches hanggang 6.7 inches
Maaari ba akong mag-recharge pagkatapos mag-expire ang SIM?
Ang SIM ay maaari lamang i-recharge sa loob ng 7 days matapos ang expiration date, subalit kailangan muna ninyong kumonekta sa Wi-Fi.
Ang akin bang SIM ay maaaring ma-extend?
Oo, ang bawat recharge sa loob ng validity period ng SIM ay maaaring i-extend ito. Ang anumang hindi nagamit na data mula sa nakaraang period ay maaaring idagdag sa bagong period, ngunit para lamang sa maximum na 180 days.
Ang aking SIM ay na-expire na. Saan maaaring makabili ng bagong SIM?
Maaaring maka-order ng SIM mula sa aming Shopify page: shop.brastel.com. Ilagay lamang ang nais na quantity sa inyong basket at magpatuloy sa pag-checkout.
Kung bibili ng mahigit sa 10 SIMs, mangyaring tingnan ang aming reseller discount option: https://shop.brastel.com/pages/top-sim-reseller-program
Maaari ba akong magpadala ng SMS o tumawag gamit ang TOP SIM?
Hindi, ang TOP SIM ay isang data-only SIM. Hindi nito sinusuportahan ang SMS o voice services. Para makagawa at makatanggap ng tawag, kayo ay maaaring magparehistro sa aming My 050 Number service.
Kailangan ko bang kanselahin o ibalik ang TOP SIM pag-uwi ko sa aking bansa?
Walang cancellation procedure. Ang serbisyo ay awtomatikong matatapos kung ang TOP SIM ay hindi ni-recharge at ito ay nag-expire. Hindi kailangang ibalik ang SIM.
Nais ba ninyong maging TOP SIM reseller?
Pindutin ang button sa ibaba para malaman ang mga benefits at advantages ng pagsali sa aming reseller network!
![](http://shop.brastel.com/cdn/shop/files/my050_app.png?v=1731645363&width=1500)
Enjoy VoIP calls with "My 050" app
Ang TOP SIM ay isang data-only SIM. Para sa voice connectivity, subukan ang aming My 050 app!
Sa My 050 app, kayo ay maaaring gumawa ng murang tawag sa loob ng Japan at international. Maaari kayong mag-apply para magkaroon ng sariling 050 number at makatanggap ng tawag gamit ang app.