FAQ

eSIM

Compatibility & Setup

Ang akin bang device ay eSIM-compatible?

Ang eSIMs ay tugma sa anumang devices na may 32-digit EID. Ito ang pinakabagong smartphones, kasama ang iPhones at ang pinakabagong Android devices. Para malaman ang 32-digit EID ng inyong device, i-check ang settings nito o i-dial *#06#. Kung ito ay hindi makita, i-check ang inyong official device specifications o tingnan ang setting menu dahil ang ilang compatible devices ay hindi kaagad ipinapakita ang EID.

Maaari ko bang gamitin ng sabay ang eSIM at physical SIM card?

Ito ay depende sa device. Ang ilang devices ay sinusuportahan ang dual SIM functionality, kaya't maaaring gamitin ng sabay ang eSIM at physical SIM card. Ang iba ay maaari lamang suportahan ang isang SIM card sa bawat pagkakataon.

Maaari ko bang gamitin ang parehong eSIM sa maraming devices?

Ito ay hindi maaari. Ang eSIM ay magagamit lang sa isang device sa bawat pagkakataon. Kung kayo ay magpapalit ng device, kailangang bumili ng bagong eSIM.

Kailangan ba ng eSIM ang Internet connection para sa pag-install?

Oo. Kailangan ang internet connection para sa pag- download at pag-activate ng eSIM profile sa inyong device.
Mangyaring gumamit ng stable Wi-Fi connection. Kung kayo ay darating sa Japan, maaaring gamitin ang free Wi-Fi sa mga airports tulad ng Haneda, Narita, o Kansai para sa pag-activate ng eSIM. Maaari rin na i-install ang eSIM profile bago kayo magpunta ng Japan para sa mas maayos na transition at mas mabilis na pagkonekta pagdating ninyo rito.

Paano ko mai-install ang eSIM?

May dalawang paraan ng pag-install at pag-activate ng inyong eSIM:

  1. QR code scan
  2. Manual activation gamit ang activation code

Mangyaring gamitin ang method base sa operating system ng inyong device:

  • iOS users: Gamitin ang QR code. Ito ay kaagad makikita sa app screen pagkatapos bilhin, at kasama ang step-by-step instructions. Pindutin ang INSTALL button para sa installation sa inyong kasalukuyang device, o i-scan ang code kung ito ay ini-install sa ibang device.
  • Android users: Gamitin ang manual activation method. Kopyahin lamang ang activation code mula sa app at i-paste sa eSIM settings ng inyong phone.

Para sa detalyadong guidance, i-check ang “Paano Mag-set Up ng eSIM” page!

Bakit hindi magamit ang aking eSIM ?

Kung ang inyong eSIM ay hindi magamit, i-check ang mga sumusunod:

  1. Naka- unlock ba ang inyong phone?Kung ang inyong phone ay binili mula sa mobile carrier, ito ay maaaring SIM-locked. Kumpirmahin sa inyong carrier kung ang inyong device ay naka- unlocked at maaaring gamitin ng third-party eSIMs tulad ng sa amin.
  2. Ang inyo bang eSIM ay minsan nang na-activate?Ang eSIM ay karaniwang isang beses lang ma-install. Kung ito ay na-activate na sa ibang device o na-delete na, maaaring hindi na ito magagamit mult.
  3. I-check ang inyong mobile settings:
    - Wi-Fi: OFF
    - Airplane Mode: OFF
    - Data Roaming: OFF
    - Mobile Data: ON
  4. I-check ang inyong APN settings(para sa Android users): Tiyakin na ang Access Point Name (APN) ay naka-set ng tama batay sa setup guide. Kung mali ang APN settings, ang n mobile data ay hindi magagamit. Ang configuration ng APN settings sa iOS ay karaniwang automatic. Subalit kung nais gamitin ang tethering o i-share ang inyong data (Personal Hotspot), kailangang i-enter ang APN manually.
  5. I-restart ang inyong phone:Matapos i-install at i-setup, ang pag-restart ng inyong device ay makakatulong para ang inyong phone ay marehistro ng maayos ang bagong network.
  6. I-check ang signal bar/network name:Kung walang signal o network name "IIJ", ang SIM ay maaaring hindi na-activate ng maayos o kayo ay nasa area na hindi maayos ang coverage.
  7. I-check ang software updates:Tiyakin na ang pinakabagong system updates ay naka-install sa inyong device, dahil ito ay nakakaapekto sa eSIM compatibility.
  8. Tiyakin na ang inyong phone ay may sapat na battery power.Ang mababang battery levels ay nakakaapekto sa performance, lalo na kapag ginagawa ang installation o network connection.

Mabilis bang makaubos ng phone battery ang eSIM?

Depende sa paggamit, may mga ilang bagay na maaaring maka-impluwensya sa power consumption:

  1. Dual SIM usage (hal.: kapag ginamit ang eSIM para sa data at physical SIM para sa voice): Dahil ang inyong phone ay kailangang magkaroon ng sabay na dalawang network connections, ang battery usage ay lumalaki.
  2. Roaming: Ang ibang eSIMs mula sa global plans ay patuloy na naghahanap ng best network, at ito ay maaaring maging dahilan ng mas mataas na power consumption. → Hindi naaangkop sa TOP SIM dahil ito ay hindi nangangailangan ng roaming.
  3. Poor signal strength: Physical SIM man o eSIM, kapag nasa mga lugar na mahina ang coverage (tulad ng underground o remote locations), nahihirapan ang device na manatiling nakakonekta kaya lumalaki ang power consumption.
  4. Frequent network switching: Ang eSIM na madalas na nagpapalit ng networks (karaniwan sa ilang travel SIMs) ay mas maraming nagagamit na power. → Subalit ang TOP SIM, ay laging nakakonekta sa IIJ network, kaya't stable ang connectivity.

¿Puedo reinstalar el perfil o la aplicación después de eliminarlos?

Ang eSIM profile ay hindi na maaaring i-install muli kapag ito ay na-delete na. Kailangan ninyong bumiling muli ng bagong plan at i-install ang bagong eSIM profile.
Kung ang TOP SIM app ay inyong na-uninstall subalit ang eSIM profile ay nasa inyo pang device, maaaring patuloy na gamitin ang natitirang data. Hindi kailangang i-install muli ang profile. Subalit para makapag-recharge ng inyong plan, kailangan i-install muli ang app..

Usage & Features

Maaari ko bang gamitin ang WhatsApp o iba pang messaging apps gamit ang eSIM sa Japan?

Oo, maaari!
Ang TOP SIM ay isang data-only eSIM, na maaaring gamitin sa WhatsApp, LINE, Messenger, at iba pang internet-based communication apps para sa messaging, voice at video calls, at manatiling nakakonekta habang nasa Japan.
Mahalagang Paalala:Tiyakin na ang inyong app accounts ay naka-set up na bago kayo magpunta ng Japan lalo na kung ang pagberipika ay mula sa inyong home country phone number.

Maaari ba akong makapagpadala ng SMS o makagawa ng tawag gamit ang TOP SIM?

Hindi, ang TOP SIM ay data-only SIM. Hindi nito sinusuportahan ang SMS o voice services. Para makagawa at makatanggap ng tawag, magparehistro sa aming My 050 Number service.
Maaari rin ninyong gamitin ang internet connection-based calls at messages (hal.: WhatsApp, Messenger, Instagram, LINE, atbp.)

Pinapalitan ba ng eSIM ang aking phone number?

Hindi.
Ang aming TOP SIM ay walang kasamang phone number. Ito ay data-only, kung saan magagamit ninyo ang internet-based apps tulad ng WhatsApp, LINE, at Messenger para sa messaging at calls, subalit hindi makakagawa o makakatanggap ng traditional voice calls o SMS. Ang kasalukuyan ninyong phone number (mula sa inyong physical SIM o eSIM) ay mananatiling hindi magbabago.

Maaari ko bang magamit ang inyong eSIM sa ibang bansa habang naka-roaming?

Hindi, ang TOP SIM ay para lamang sa internet connection sa Japan.

Ano ang mangyayari kapag ako ay naubusan ng data?

Kung ang lahat ng data ay nagamit na, ang inyong speed ay magiging 200 kbps. Pumili ng nais na plan at mag-recharge para muling bumilis ang koneksyon.

Maaari bang ma-extend ang aking eSIM?

Oo, ang bawat recharge sa loob ng validity period ng eSIM ay maaaring pahabain ito. Ang anumang hindi nagamit na data mula sa nakaraang period ay maidadagdag sa bagong period, ngunit para lamang sa maximum na 180 days.

Purchase, Account & Recharge

Maaari bang mag-order ng eSIM bago dumating sa Japan?

Oo, maaari kayong mag-order ng TOP SIM eSIM bago dumating sa Japan.
Maaari na ninyong i-install ang eSIM profile habang kayo ay nasa inyong bansa. Gayunpaman, tandaan na ang internet connection ay mate-test lamang kapag kayo ay nasa Japan na. Ang eSIM ay makokonekta sa local network at ma-aactivate kapag kayo ay nandito na at maayos itong na-configure.

Mahalagang Paalala: Magsisimula ang validity period ng eSIM 45 days matapos ito mabili, kahit hindi pa ito na-install o ang profile ay hindi pa nagamit. Tiyakin ang timing ng inyong pagbili.

Kailangan ko bang gumawa ng account?

Hindi!
Ang aming serbisyo ay idinesenyo upang maging user-friendly at hassle-free:

  • Hindi kailangang ang account registration!
  • Walang login o password na kailangang tandaan
  • Hindi kailangan ang eKYC (identity verification)!

Gayunpaman, matapos i-install ang inyong eSIM, huwag i-uninstall ang app dahil:

  • Ang inyong eSIM plan ay hindi ninyo mare-recharge.
  • Mas makakatipid kapag patuloy na ginamit ang parehong eSIM.

Panatilihing naka-install ang app para sa patuloy na recharges at better value!

Paano ko ire-recharge ang aking eSIM?

Napakadali!
Buksan ang TOP SIM app, piliin ang nais na data plan, at sundan ang on-screen instructions upang makumpleto ang inyong recharge.
Sa kasalukuyan, aming tinatanggap ang cash payments sa convenience stores sa Japan. Subalit maaaring magkaroon ng credit card at iba pang digital payment options sa lalong madaling panahon!

Maaari ba akong mag-recharge kapag ang eSIM ay nag-expire na?

Ang eSIM ay maaari lamang i-recharge sa loob ng 7 days pagkatapos ng expiration date ng plan, subalit kailangan munang kumonekta sa Wi-Fi.

Maaari ko bang kanselahin ang aking order?

Ipagpaumanhin, ang cancellations at refunds ay hindi na maaari kapag ang pagbabayad ay nakumpleto na.
Subalit kung ang inyong pinili ay “My Payment” (cash at convenience store) option at ito ay hindi pa ninyo binabayaran, maaari ninyong piliin na huwag kumpletuhin ang transaksyon.

Ano ba ang SM-DP+ address?

Ang SM-DP+ address ay tulad ng activation code. Ito ay special Internet link mula sa inyong mobile carrier upang ma-activate ang eSIM ng inyong phone. Ito ay isang digital SIM card para sa inyong device. Kapag ia-activate ang inyong eSIM, kailangang i-enter o i-scan ang link na ito upang mai-download ang lahat ng kailangang network settings at ikonekta sa inyong carrier na hindi na kakailanganin ang physical SIM card.

Physical SIM Card

Collapsible content

Bakit walang Internet?

I-check ang mga sumusunod:

  1. Beripikahin ang APN settings (network path para sa lahat ng cellular data connectivity) batay sa manual iOS / Android na ito.
  2. Tiyakin na naka-ON ang inyong mobile data, naka-OFF ang airplane mode at naka-OFF ang Wi-Fi.
  3. I-reboot ang device hanggang sa makita ang IIJ antenna pictogram.
  4. Ang mga device na may SIM lock o network usage restrictions mula sa ibang carriers ay maaaring hindi magkatugma. Sa mga sitwasyon na ito, kinakailangan ninyong mag-request mula sa pinagbilhan o carrier na i-unlock ito.
  5. Para sa dual SIM devices, tiyakin na ang tamang SIM slot ang inyong ginagamit. Subukang palitan at gawin din ang mga setting ng APN para sa kabilang slot. Huwag kalimutang i-reboot ang device.
  6. Tiyakin na ang nais na network type ay naka-set sa kahit anuman maliban sa “GSM only”.

Bakit mabagal ang aking data speed?

Maaaring naubos na ang inyong data allowance, kaya't ang speed ay bumaba sa 200 kbps. Mangyaring pumili ng bagong plan na angkop sa inyo at i-recharge upang bumilis muli ang connection.
Kung iba ang kaso, mangyaring i-check ang mga sumusunod:

  1. Tiyakin na ang configuration ng APN settings ay tama at batay sa iOS / Android na ito.
  2. Tiyakin na ang inyong mobile data ay naka-ON, ang airplane mode ay naka-OFF, at ang Wi-Fi ay naka-OFF.
  3. I-reboot ang inyong device.
  4. Suriin kung may anumang network outage o maintenance activities sa iyong lugar.

Kung magpapatuloy ang isyu, mangyaring makipag-ugnayan sa aming customer service para sa karagdagang tulong..

Maaari ko bang gamitin ang tethering sa SIM na ito?

Oo, subalit mangyaring i-check kung ang tethering ay maaari sa inyong device.
Para sa iOS, kailangang idagdag ang APN settings sa [Personal Hotspot] field.

Paano i-check ang daily data usage?

Mangyaring tingnan ang Mobile Data Usage settings sa inyong device.

Bakit hindi ko ma-activate ang aking SIM sa pamamagitan ng pag-scan sa barcode o pag-enter nito manually?

Maaaring ito ay walang internet connection. Mangyaring i-check ang inyong APN settings, Tiyakin na ang mobile data ay naka-ON, at ang Wi-Fi at airplane modes ay naka-OFF.

Bakit ang aking initial na 5GB ay higit sa 30 days?

Ang initial 5GB na data ay valid sa loob ng 60 days kung ang APN settings at SIM activation ay nakumpleto ng parehong araw. Paalala: ang pag-activate ng SIM ay kailangang makumpleto sa loob ng 30 days matapos ma-configure ang APN setting. Kung ang APN settings at activation ay ginawa ng magkaibang araw, ang validity period ay magiging mas maikli.

Bakit hindi makilala ng aking device ang SIM?

Maaaring may depekto ang inyong SIM. Makipag-ugnayan sa aming customer service para sa suporta.

Can I use the same SIM card with different devices?

Oo, maaari ninyong palitan ang mga devices gamit ang parehong SIM hangga't ang device na inyong ginagamit ay tugma sa TOP SIM

Huwag kalimutan na i-set up ang APN at i-reboot ang bagong device. Para sa activation, kailangang i-scan ang barcode mula sa cardholder o kung wala na ito, gamitin ang manual SIM ID (ICCID) input link. Ang SIM ID number ay naka-print sa inyong SIM card at nag-uumpisa sa 898103.

Maaari ko bang gamitin ang TOP SIM sa ibang bansa habang naka-roaming?

Hindi, ang TOP SIM ay para lamang sa internet connection sa Japan.

Mayroon bang PIN code?

Oo, ang PIN code ay "0000". Kadalasan, ito ay hindi kailangan. Subalit ang paulit-ulit na pag-enter ng maling PIN code ay magreresulta para ma-block ang inyong SIM. Sa ganitong pagkakataon, kakailanganin ang PUK code. Makipag-ugnayan sa aming customer service para sa suporta.

Ang aking SIM ay nawala. Maaari ba itong ma-reissue?

Hindi, ito ay hindi maaari. Mangyaring bumili ng bagong SIM sa aming store: https://shop.brastel.com/fil

Bakit hindi ako makapagbayad gamit ang barcode sa convenience store?

I-check ang mga sumusunod:

  1. Tuwing Tuesday mula 22:00 hanggang 9:00, may network maintenance kung saan hindi maaaring i-download ang barcode. Mangyaring gawin ang pagbili sa ibang pagkakataon.
  2. Maaaring hindi mabasa nang maayos ng barcode scanner sa mga stores ang barcode kung ang screen ay may gasgas o protective film.
  3. Ang barcode ay mae-expire sa hatinggabi. Mangyaring mag-download ng bagong barcode mula sa TOP SIM app.
  4. Ang barcodes ay maaaring hindi maipakita sa ilang smartphone models tulad ng iPads at tablets. Ang mga sumusunod na smartphone device environment ay inirerekomendang gamitin:
    - OS: iOS 10.0 o mas bago, Android 5.0 o mas bago
    - Browser: Pinakabagong version ng Safari o Google Chrome
    - Screen size: 4.0 inches hanggang 6.7 inches

Bakit hindi ipinapakita sa aking activity page ang karagdagang data na aking ni-recharge?

Kung ang updated data balance ay hindi nakikita sa app, subukang gawin ang mga sumusunod na steps:

  • I-refresh ang screen – i-swipe pababa ang screen at i-release para ma-reload ang pinakabagong impormasyon.
  • Isara at muling buksan ang app – ang data ay maaaring hindi pa na-refresh.
  • I-check ang inyong internet connection – ang mahina o hindi maayos na signal ang maaaring dahilan kung bakit hindi ma-update ang data.
  • I-clear ang app cache – maaari itong gawin sa inyong phone settings kung ang issue ay magpapatuloy.
  • Muling i-start ang inyong phone – ito ay nakakatulong para ma-refresh ang system data.

Kung ang data balance ay hindi pa rin makikita matapos gawin ang mga steps na ito, makipag-ugnayan sa aming support via chat icon na nasa itaas-kanang bahagi.

Maaari ba akong mag-recharge pagkatapos mag-expire ang SIM?

Ang SIM ay maaari lamang i-recharge sa loob ng 7 days matapos ang expiration date, subalit kailangan muna ninyong kumonekta sa Wi-Fi.

Ang akin bang SIM ay maaaring ma-extend?

Oo, ang bawat recharge sa loob ng validity period ng SIM ay maaaring i-extend ito. Ang anumang hindi nagamit na data mula sa nakaraang period ay maaaring idagdag sa bagong period, ngunit para lamang sa maximum na 180 days.

Ang aking SIM ay na-expire na. Saan maaaring makabili ng bagong SIM?

Maaaring maka-order ng SIM mula sa aming Shopify page. Ilagay lamang ang nais na quantity sa inyong basket at magpatuloy sa pag-checkout.
Kung bibili ng mahigit sa 10 SIMs, mangyaring tingnan ang aming reseller discount option.

Maaari ba akong magpadala ng SMS o tumawag gamit ang TOP SIM?

Hindi, ang TOP SIM ay isang data-only SIM. Hindi nito sinusuportahan ang SMS o voice services. Para makagawa at makatanggap ng tawag, kayo ay maaaring magparehistro sa aming My 050 Number service. O maaaring gamitin ang internet connection-based calls at messages (hal. WhatsApp, Messenger, Instagram, LINE, atbp.)

Kailangan ko bang kanselahin o ibalik ang TOP SIM pag-uwi ko sa aking bansa?

Walang cancellation procedure. Ang serbisyo ay awtomatikong matatapos kung ang TOP SIM ay hindi ni-recharge at ito ay nag-expire. Hindi kailangang ibalik ang SIM.